top of page

Tezon Bldg., Door 3, Marasbaras,

Barangay 80, Tacloban City, Leyte

Philippines

Email: delarosa.starlegendsadventures@gmail.com

WhatsApp: (+852) 61865039

Nag-start ang journey ko nung makipag-asawa ako at bumuo ng sariling pamilya.

Ako nga pala si Maricel, lumaki ako sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cagayan.

 

At katulad ng karamihan, tumatak sa isipan ko simula pagkabata na kailangang mag-aral ng mabuti upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

 

Naalala ko pa yung parating pinapangaral sakin ng mga magulang ko noon, "mag-aral ka ng mabuti dahil hindi tayo mayaman at wala kaming maipapamana sa inyong magkakapatid kundi ang Edukasyon". Igagapang namin kahit mabaon kami sa utang makapagtapos lang kayo.❤

 

Tumatak yon sa isipan ko, nagsipag ako sa pag-aaral at sa awa ng Dyos nakapagtapos ako hanggang kolehiyo.

 

Ang saya ko nung makapagtapos ako. Sabi ko sa sarili ko makakapaghanap na ako ng magandang trabaho. Matutulungan ko na ang mga magulang ko. Masusuklian ko na lahat ng sakripisyo nila sakin.

 

One month after graduadion, may trabaho nako. At ang unang sahod ko ibinigay ko sa nanay ko. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita mo ang ngiti sa nanay mo.

 

Kaya lang....

 

Ako yung tipo ng tao na hindi nagtatagal sa trabaho. Madali akong magsawa.😣

Nakailang kumpanya rin ako noon. Anim na taon akong naging empleyado. Ang masaklap wala akong ipon. Isa ako sa mga Customer Mindset, pagkasahod bili ng kung anu-ano. Paulit-ulit lang, sahod bili, sahod bili.😥

 

Hanggang sa....

 

Nagkaroon ako ng sariling pamilya.

Ang hirap dahil sa wala kaming ipon both ng asawa ko, andami naming utang para lang matustusan ang pangangailangan ng dalawa naming anak na sakitin that time.😢

Ang nangyayari, sasahod kami tapos bayad utang. Nakakpagod yung ganitong sitwasyon.🤔

 

Hanggang sa nagdesisyon akong mag-abroad.

Sa kasalukuyan, 7yrs na akong nagtatrabaho dito sa Hongkong bilang Domestic Helper. Hindi ganun kadali pero kinakaya ko para sa kinabukasan ng pamilya ko.

Napoprovide ko naman ang ilan sa mga pangangailangan nila, pero hindi pa rin sapat dahil hindi ko pa rin mabili lahat ng gusto ng pamilya ko at lahat ng pangangailangan nila at ng sarili ko.

 

Tulad ng karamihan, madami rin akong sinubukan, maraming raket ang pinasok ko. Nag-oonline selling ako, at nag-nenegosyo ng kung ano ano pa. Gusto ko na kasing mapadali ang pag-uwi ko ng Pilipinas para makasama ko na ang aking pamilya at maalagaan ko mismo ang aking mga anak. Gusto kong i-enjoy every moment habang bata pa sila na hindi ko nagawa nung toddlers pa sila.

 

Pero hindi parin ako nag-succeed...

Ang dami kong FAILURES…

Sumusuko ako agad at sinasabi ko sa sarili ko “hindi ko ata kaya to” .

 

And one day, meron akong nakilalang mentor at ang sabi nya sakin,

“kung gusto mong mag succeed, kailangan kilalanin mo muna ang sarili mo, kailangan alam mo talaga ang gusto mo, at kailangan alam mo kung bakit gusto mong makamit ang pangarap mo”.

 

“Hindi sapat ang maghahanap ka lang ng paraan para kumita o umasenso”, “dapat magkaroon ka ng tamang foundation sa mindset mo, dahil yan ang una mong kailangan sa success journey mo”

 

Bigla akong napaisip sa sinabi nya…

Tama nga naman, ang dami kong raket na ginagawa, sobrang sipag, at pursigido, pero hindi ko pa din makamit ang gusto ko. Dahil kailangan pala, malakas ang foundation ko. Sinunod ko ang payo nya na magkaroon ng sapat na kaalaman sa napaka importanteng pundasyon para umasenso.

 

Sa new journey ko pagkatapos ng mga pagkakamali ko, ang pinakauna kong ginawa ay hanapin ang sarili ko.

Kung ano ba talaga ang gusto ko, my GOALS, my DREAMS, my DEEPEST WHYs, my LIFE PURPOSE, pag-discover kung ano ang mga pumupigil sakin, mga LIMITING BELIEFS na kailangan kong baguhin at ang mga mahahalagang MINDSET na kailangan ng bawat tao para maging successful.

 

Inaral ko ng mabuti ang 'SELF-MASTERY'.

Nung nagkaroon na ako ng CLARITY KUNG ANO ANG SELF-MASTERY, naging mas masaya, mas fulfilled at SUCCESSFUL na ako sa mga ginagawa ko.

 

Gusto mo rin ba yon? Na ang lahat ng gagawin mo ay magiging masaya at successful ka?

Now, I feel really blessed and happy. Thanks be to God..

 

Dahil sa na diskubre ko, makakapag for-good na ako nang walang alinlangan dahil alam ko na kung ano talaga ang gusto ko. Kung ano ang mga hakbang na gagawin ko para makamit ko ang tagumpay sa buhay, na hindi ko nagagawa noon dahil hindi ko pa alam kung paano mag sisimula.

 

Makakasama ko na ang pamilya ko, magagawa ko na ang mga gusto ko at passion ko, at higit sa lahat, kilala ko na ang sarili ko.

Magagawa mo rin ito kung gugustuhin mo at kung handa kang gumawa ng bago sa buhay mo. Lagi mong tatandaan na ang success kadalasan ay nasa labas ng comort zone mo.

Kung handa kang matutunan at gumawa ng action para sa iyong pagbabago at para sa iyong tagumpay, i-message mo lang ako and I'm more than happy tohelp and guide you.

Yours Truly,

Cel Dela Rosa

39565440_489960898135205_549784957818083

KNOW YOUR DEEPEST DESIRE

SELF MASTERY < > SELF AWARENESS

 

What is your PURPOSE / GOAL in life?

​***Everyone was created for a purpose

​Know your purpose, what problem you were made to solve;

What you think you can contribute most to the world.

​***What is your passion?

Develop your skills, talent/s

Know your strengths and weaknesses

***What is your deepest or core desire?

The very reason why you want to achieve your Success

*** What activity/ies do you enjoy doing?

GET A QUOTE FOR YOUR TRIP NOW

Your details were sent successfully!

bottom of page